“Yapak ng Kagandahan”

Ang Abra ay nanapapaligiran ng mga naglalakihang kabundukan. Pero hindi ito gaanong binibisita ang probinsiya dahil sa layo at tagal ng biyaheng tatahakin papunta rito. Pero kapag nakita mo na ang kagandahan nito, hindi mo napanghihinayangan pa ang pagbisita sa lugar na ito.

Kilalang-kilala ang pagkaing pansit miki sa Abra na kahit na mainit ang panahon ito pa rin ay paborito at dinadayo ng mga turista. Hindi rin naman papahuli ang mga tanawin na hindi pa masyadong kilala ngunit kung iyong titignan ay napakaganda at klasik. Sa pagtikim at paglakbay mo ay iyong makikita ang tagong lasap at ganda ng probinsiya.



Sa kanilang kultura na sa pag-aatang , ag-gulgul na ginagawa pag may namatay na kamag-anak, Ang pagsabi ng mga salitang Bari-Bari at Kayo-Kayo , at Maykan kasama ang pangangalan , haan ka agbatbati  tuwing ika’y galling sa liblib at malalayong lugar. Ang mga kasanayan at tradisyon na nagiging paniniwala na ng mga naninirahan ditto. Sa kanilang salita o lenggwahe na ang paggamit ng wikang Ilocano ay naipapahayah nila ng mabuti ang kanilang mga opinyon at damdamin pagdating sa seryoso at palabirong usapan. Dito hindi mo lang malalaman ang pagkakakilanlan ng mga tao at ng kanilang kaugalian pero pati na rin ng lugar at mga mahahalagang pangyayari kasama na rito ang mga iba’t-ibang pista gaya ng Kawayan Festival o pista ng mga Kawayan at iba pa Dumako naman tayo sa relihiyon nila ay halos lahat ng Ilokano ay Katoliko at may mga padasal na nagaganap tuwing pista ng patay, kaarawan at mga ibang selebrasyon na ganap sa mga barrio. Ang pangunahing pamumuhay din ng mga naninirahan doon ay pagsasaka at pangingisda dahil nga ang probinsyang abra ay maraming yamang lupa na kung saan mas napapayabong pa ang kayamanang taglay nito nang dahil sa kasipagan at pagmamahal ng mga tao doon. Na kahit simple lang ang buhay nila ay lingid sa kanilang kaisipan na sila’y mayaman. Mayaman sa hatid na kagandahan, tulong at sariwang hangin mula sa inang kalikasan

Na mula pa noon hanggang ngayon  makikita natin sa yaman at kagandahang taglay nito na dapat mabigyang halaga at pagmamahal ang lugar na ito. Na patuloy na magsaliksik at alamin ang mga bagay na magbibigay  ng galak at saya hindi lamang sa ating mga mata kundi sa ating puso.

Sa paglipas ng panahon at henerasyon ,ang pag-angat ng iba’t-ibang teknolohiya na kung saan ay nakakanap na ng makabagong bagay na pagkakaabalahan at destinasyong pupuntahan tatandaan na gawin itong oppurtunidad upang ipamahagi na kahit saan tayo mapunta at mapadpad ay nasa ating sarili ang pagsasabuhay ng yapak ng kagandahan .Ang lakbay at bawat yapak na patungo sa tunay na kasiyahan, kagandahan ang kayamanan ng kalikasan at buhay.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started